2 bata sa Camarines Sur, narescue sa kidnapping

CAMARINES SUR- Narescue ng mga otoridad sa tulong na rin ng mga concerned citizen ang dalawang bata sa Camarines Sur matapos na isama ng nagpakilalang tauhan ng isang kilalang vlogger.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Tigaon Deputy Chief of Police PCPT David Olleres , sinabi nitong Hunyo 24, 2023 ng gabi nang pumunta sa tahanan ng dalawa sa Tigaon ang lalaking si Jojo Olaso. Pinadala umano ng vlogger upang mag document sa buhay ng dalawa. Nakitulog pa si Olaso dahil wala nang masakyan pauwi. Kinumbinsi ang mga magulang ng dalawa na isasama niya ang mga bata na edad 6 at 8-anyos sa vlogger na si Virgelyn Cares at nakumbinsi naman ang mga magulang.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Pero Hunyo 27 na hindi na macontact ang lalaking residente ng Tinambac at hindi pa naibabalik ang magkapatid. Nakipag-ugnayan na sa vlogger ang pamilya , itinanggi na kilala niya si Olaso.   Sa puntong iyon nag post na rin sa social media ang vlogger, marami ang nagbigay ng impormasyon kung saan nila nakita, huli rito ang sa Sta. Cruz Tinambac.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCPT. Inar  Vic Florece  ng Tinambac PNP na matapos na makipag-ugnayan ang PNP Tigaon, kaagad na verify  ng pulisya at positibo iyon nga ang hinahanap na mga bata.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Nakabalik na sa Tigaon ang dalawa habang nasa kostudiya ng pulisya si Olaso. Ayon kay Olleres , maikukunsidera itong kidnapping, niloko ang mga magulang bukod dito may ginamit pang ibang tao upang mapaniwala sa kaniyang hindi magandang plano.

Iiimbestigahan ng pulisya kung ano ang pinaka motibo ng suspek sa insidente.