Albay Gov. Lagman, nilinaw na ligtas kainin ang mga pagkaing nasa loob ng food packs mula sa China

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ni Albay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman na ang mga pagkain na nasa loob ng mga food packs na donasyon mula sa China ay ligtas kainin.

Kaugnay ito ng mga natanggap na impormasyon ng gobernador na mayroong mga LGU na tumawag sa kanya upang ipahayag ang pangamba tungkol sa mga food packs na mayroong petsang expired na.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Lagman, kanya nang tinawagan si DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio ukol sa concern na ito at sinabi nito na ligtas kainin ang mga ito.

Nilinaw naman umano nito na ang mga petsang nakasulat sa mga pagkain ay ang manufacturing date at hindi expiration date.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, sinimulan nang imapamahagi ang mga donasyon mula sa nasabing bansa sa ilang evacuation centers sa lalawigan, at maliban sa China, naipamahagi na rin ang mga donasyon mula sa United Arab Emirates (UAE).