2 bata nailigtas matapos i-hostage ng sariling ina sa Libon Albay

LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ngayon ng kanilang lola ang 2 taong gulang at apat na taong gulang na bata matapos ng naganap na hostage taking kahapon sa Sitio La Medalla Barangay Bonbon Libon, Albay.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Daisy Segarra, head ng Women and Children Protection District (WCPD) ng Libon, bago pa man nagkaroon ng nasabing insidente ay nagtalo muna ang mag-asawa hanggang sa nauwi sa panghohostage ng suspek sa dalawa nitong anak.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil dito humingi ng saklolo ang biktima sa mga barangay officials at awtoridad.

Agad pinuntahan ng mga kapulisan ang nasabing lugar kung saan hindi makuha kuha ang mga biktima dahil sa may mga hawak na patalim ang suspek.

Nagkaroon ng negosasyon o pakikipag usap ang mga kapulisan laban sa suspek kung saan umabot sa humigit kumulang na tatlong oras bago nabawi ang mga biktima.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Napag-alaman din na ang suspek na 26-anyos na babae ay mayroong deperensya sa pag iisip at sinasabing dumaan din umano sa depresyon.

Sinabi pa ni Segarra, nakatakdang dalhin sa Cadlan Pili Camarines Sur ito upang bigyan ng medikal na atensyon.