Dalawang bagong Balay Silangan Reformation Center ang pinasinayaan noong March 10, 2022 sa bayan ng Roxas at Cabagan, Isabela.
Ayon sa PDEA Region 2, ito na ang ika-41 at 42 na ipinatayong Balay Silangan sa buong lambak ng Cagayan.
Kabilang sa mga dumalo sa hiwalay na aktibidad sina PDEA RO2 Regional Director Joel Plaza; ARDChristy Silvan; PMaj Rassel Tuliao, COP ng PNP Roxas; PMaj Rodante Albano, hepe ng PNP Cabagan; mga opisyla ng IPPO, PDEA -Isabela at lokal na pamahalaan.
Nagkaroon din ng paglalagada sa Memorandum of Agreement/Memorandum of Understanding at Manifesto of Commitment sa pagitan ng PNP, PDEA at LGU.
Inihayag pa ng PDEA Region 2 na ang patuloy umano na pagtatayo at pagdaragdag ng mga reformation center sa rehiyon ay nagpapakita lamang ng malakas na suporta ng mga ahensya ng pamahalaan at stakeholders sa kampaniya kontra iligal na droga.
Samantala, nasa 13 na reformist mula sa bayan ng Roxas ang sasailalim sa in-house reformation program sa naturang pasilidad at nabigyan din ng financial assistance at bigas.