90% ng populasyon, dapat mabakunahan muna bago ang de-escalation sa Alert Level 0 – expert

Inirekomenda ng ilang infectious disease specialist nitong Biyernes na dapat ay mabakunahan muna kontra COVID-19 ang 90% ng 109 million population ng Pilipinas bago ang deescalation sa Alert Level 0.

Ito ay matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na kung dapat bang alisin o panatilihin ang mandatory use ng face masks kung sakaling ma-implementa ang Alert Level 0, ngayong nagpapatuloy ang pagbagsak ng COVID-19 cases.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa Laging Handa briefing ay sinabi ni Dr. Rontgene Solante, head ng adult infectious diseases sa San Lazaro Hospital sa Manila, na pinaghahandaan na ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ang pagpapatupad ng Alert Level 0.

Pero kung siya aniya ang tatanungin ay kailangan munang mabakunahan ang 90 percent ng populasyon.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Samantala, inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nag-adjust na ang gobyerno na maabot ang 90 million target nito para sa full vaccinated na indibidwal sa katapusan ng June bilang paghahanda sa mga bagong COVID-19 variants.

Sa ngayon ay tinatayang nasa 63.9 million na katao na ang fully vaccinated sa bansa kabilang na ang 10.6 million na nakatanggap ng booster shots noong Miyerkules.