Wala na sa restrictive custody ng Police Regional Office 4A si PMaj. Allan de Castro – ang itinuturing na pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Ito’y makaraang masibak siya sa serbisyo dahil sa kasong administratibo.
Ayon kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr., kahit wala na sa kanilang kostodiya ang pulis, patuloy na ipu-pursue ng PNP ang criminal case na isinampa laban sa kanya.
Ginagawa rin aniya ng PNP ang lahat upang mahanap si Camilon.