2.2 Million na halaga ng marijuana bricks, narekober sa isang checkpoint

Nasabat sa isang check point kahapon ang 2.2 million na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Sitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Dinakip ang isang 25 year-old na lalaki na residente ng Sitio Umboy, Barangay Cutcut, Guiguinto, Bulacan. Pinara ng mga pulis ang isang van habang sila ay nagsasagawa ng check point.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nadiskubre ang marijuana bricks na nakalagay sa isang hiking backpack.

Base sa isinagawang imbentaryo, ,labing siyam na marijuana bricks na tumitimbang ng labing siyam na kilo at nagkakahalaga ng 2.2 million pesos ang narekober.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nakuha din sa suspek ang isang black and gray backpack, isang traveling bag at isang cellphone.

Isinagawa ang imbentaryo sa lugar kung saan nahuli ang suspek na ngayon ay nahaharap sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.