Mahigpit na pagsunod sa batas, ipinanawagan ni Sec Abalos sa mga BSKE candidates

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na striktong sundin ang mga batas na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec).

Binigyang-diin ni Abalos na batay sa mga alituntunin ng Comelec, lahat ng kandidato ay required ilagay ang kanilang mga campaign materials sa common poster areas.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Maliban dito ay muling nanawagan ang opisyal sa mga BSKE candidates na sumunod sa batas, upang matiyak ang matagumpay at maayos na eleksyon.

Panawagan ng kalihim, basahing mabuti ang batas, dahil nakalista doon ang mga hindi dapat gawin, maging ang paggamit ng mga e-payment platforms para sa vote buying.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Sa huli, ipinaalala rin si Abalos na ang mga paglalaro ng bingo, pamamahagi ng premyo, at pagsasagawa ng hakot system o yung mass transporting ng mga botante bago ang eleksyon, at pamimigay ng pera ay mga sensyales ng engagement sa vote buying.