190 na mga pulis sa Camarines Sur marereassign  re: Barangay and SK Elections

NAGA CITY- 190 na mga pulis ang marereassign dahil sa pagkandidato ng mga kaanak sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCOL. Julius Caesar Doming, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO). Ayon sa opisyal halos lahat ng  Municipal Police Station sa lalawigan may marereassign na pulis. Ito ay upang maging patas at hindi sila makaapekto sa takbo ng kandidatura o halalan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa ngayon wala namang kandidato  na nagsumbong na may banta sa buhay.

Samantala, sinabi pa ng opisyal sa obserbasyon nila bumaba ang bilang ng krimen maliban sa mga aksidente sa kalsada.