18 eskwelahan sa Olongapo handa na sa limited implementation ng face-to-face classes

Nakahanda na ang labing walong eskwelahan sa Olongapo City para sa implementasyon ng limited face-to-face classes.

Ito ay kung sakaling pumayag na ang Lokal na Pamahalaan ng lungsod na magpatupad ng aktwal na klase ang mga piling paaralan.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ayon kay Asst. Schools Division Supt. Maylene Minimo ng Deped Olongapo, kinakailangan ng concurrence ng Local Government bago mapayagan ang pagbabalik sa in-person classes.

Sa ngayon ay hindi pa ito pinapayagan ng LGU dahil may mga barangay pa umanong may naitatala pa ring kaso ng corona virus disease.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Tanging ang Regional Science High School lamang ang makakapagpatupad ng face-to-face classes sa February 28.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen Xanthone MAXAN Xanthone Mangosteen 10 U MAXAN Shop Shopow! now! Ϲογγεε Blend Lazada'