18 election-related incidents, naitala ng PNP

Mahigit isang linggo bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, labing walong insidente na may kinalaman sa papalapit na elelsyon ang iniulat ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, sa naturang bilang 12 insidente ng shooting, 2 kidnapping, 1 grave threat, 1 indiscriminate firing, 1 gun ban violation at 1 armed encounter.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Habang sa ngayon ay patuloy pa rin isinasailalim sa validation ang 13 suspected election-related incidents.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Sa kabuuan batay sa record ng PNP, umaabot sa 97 ang mga kasong iniimbestigahan na posibleng may kinalaman sa nalalapit na eleksyon.

Labing tatlo ang inaalam kung election-related insidents habang animnapu’t anim ang napatunayan na walang kinalaman sa papalapit na eleksyon.