LEGAZPI-Pormal ng itinalaga ang bagong pinuno ng Albay Provincial Police Office.
Matapos ang sinagawang tun over ceremony, agad lumahok sa pagpupulong para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsiya ng Albay.
Sa unang araw ng pag-upo ni PCol Richard M. Aquitania bilang OIC ng Albay PPO, agad itong dumalo sa isinagawang “Peace and Order Council (PPOC) Special Meeting” na pinasimunuan ng butihing gobernador ng Albay na si Hon. Noel E. Rosal.
Ang pagpupulong ay isinagawa dakong alas dos ng hapon, sa Red Room, Albay Capitol Building, Legazpi City.
Lumahok din sa nasabing “special meeting” ang Provincial Director ng DILG-Albay na si Ginoong Arnel Renato Madrideo, ang Committee Chairman ng Peace and Order na si Board Member Vince Baltazar, at ang ilang miyembro ng AFP, Red Cross, at DOJ.
Binigyang linaw din ng PNP na ang dating PNP director na si sir Tabernella ang inilipat sa ibang lugar.