Bilang ng mga gumaling sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes nasa 45 na

CAMARINES NORTE- Umaabot sa apatnaput lima ang mga gumaling na sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa datos ng Municipal Health Office as of July 18, 2021, iniulat nito na nakapagtala na ng kabuuang 58 na kaso ng sakit sa naturang bayan at anim dito ay aktibong kaso.

Pito naman ang naitalang namatay dahil sa sakit.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Pinakamaraming kaso ng COVID- 19 sa Barangay San Roque na mayroong 17 habang siyam na barangay naman ang nananatiling COVID- 19 free.

Tanging ang Barangay 4 lang sa mga Poblacion barangays ang nanatiling zero case.

Nananatili ring COVID- 19 free ang mga coastal barangays ng Catandunganon, Mambungalon, Apuao, Caringo ,Masalongsalong, Hamoraon, Lalawigan at Lanot.

Nasa 40 % ang occupancy rate sa Mercedes Temporary Treatment Facility kung saan apat sa sampung beds ang okupado ng mga nagpositibo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa 14 na bed naman para sa close contact ay walo ang okupado o 57 % occupancy rate.

Patuloy ang paalala ng mga kinauukulan na sundin ang health protocols para makaiwas sa COVID- 19.