17 vote-buying at vote-selling cases, isasailalim sa preliminary investigation – Comelec

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesperson John Rex Laudiangco na isinasagawa na nila ang preliminary investigation kaugnay sa 17 vote-buying at vote-selling cases nitong nakaraang halalan.

Ayon kay Laudiangco, umabot sa 113 ng naturang mga kaso ang naireport sa kanila bilang parte ng ginawang Task Force Kontra Bigay ng komisyon.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Hindi pa naman inanunsyo sa publiko kung may high-profile candidates ang kabilang dito dahil hawak pa umano ng Comelec Law Department ang nasabing mga kaso.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Samantala, ang election offense na vote-buying at vote-selling ay nasa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code. (ARGIE ERGINA)