17 Barangay sa bayan ng Vinzons Zero case na sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Zero case na sa COVID-19 ang 17 Barangay ng bayan ng Vinzons matapos na bumaba na lamang sa 3 ang aktibong kaso na naitala sa naturang bayan 

Sa pinakahuling report ng Municipal Health office as of November 29, 2021, tanging 2 barangay na lamang ang kasalukuyang may aktibong kaso kung saan 2 nito ay mula sa Brgy Calangkawan Norte at may isang aktibong kaso ang Poblacion III

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang bayan ng Vinzons ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 254 confirmed cases at mula sa naturang bilang 231 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit  at 20 ang naitalang nawalan ng buhay

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang 3 aktibong kaso ngayon sa naturang bayan base sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility ay sumasailalim ngayon sa home isolation