Programang ‘Vaccine Express’ ng Office of the Vice President, tutungo sa Catanduanes ngayong araw para magsagawa ng vaccination

BNFM BICOL—Nakatakdang tumungo ngayong araw ng Miyerkules sa islang lalawigan ng Catanduanes ang programang ‘vaccine express’ ng Office of the Vice President upang magsagawa ng  pagbabakuna sa mga residente sa lugar.

Ito ay kasunod ng naging panawagan ni Catanduanes Governor Joseph Cua kay Vice President Leni Robredo kung saan sa pamamagitan ng kanyang pagpapadala ng liham at pag post sakanyang twitter account ay hiningi nitong magtungo sa Catanduanes ang vaccine express ng OVP, upang mas marami ang mabakunahan sa probinsya.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ginawa ni Cua ang panawagan makaraang isailalim sa Alert Level 4 ang Catanduanes mula nitong a’kinse hanggang a’trenta ng Nobyembre dahil na rin sa mataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Bunsod nito, inanunsiyo naman ng OVP na sa kanilang pagtungo ngayong araw sa isla, target nilang mabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaaccine ang mga residenteng kabilang sa A1 hanggang A5 categories maging ang mga batang edad 12 hanggang 17-anyos.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Isasagawa ang pagbabakuna sa Virac Town Center sa bayan ng Virac habang pinaalalahanan naman ang lahat ng magpapabakuna na i-secure ang kanilang valid IDs habang ang mga may comorbidities naman ay kinakailangang mag presenta ng kanilang medical certificate.

Ang ‘Vaccine Express’ ay isa sa mga programa ng Office of the Vice President na may layuning matulungan ang mga LGU na mapabilis ang pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan. Ito ay inoorganisa ng mga volunteer doctors, nurses at iba pang mga health professionals.###