Bayan ng Daet nanatili sa bilang na 3 ang aktibong kaso ng covid-19

CAMARINES NORTE – Nananatili pa rin sa 3 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet sa pinakahuling report na ipinalabas ng Daet IMT

Base sa datus ng Daet Emergency Operations Center as of November 29, 2021, isa na lamang ang positibo sa RT- PCR test at dalawa ang positibo sa Rapid antigen Test

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Habang umakyat na sa 985 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit at nananatili naman sa bilang na 60 ang mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Kasalukuyan namang may 1,046 ang total cases at 7 na lamang ang under monitoring ng EOC.

Sa ngayon ang lokal na pamahalaang bayan ng Daet ay abala sa isinasagawang Bayanihan Bakunahan kung saan ang 25 barangay ay hinati sa 3 vaccination sites na maaga palang ay mahaba na ang pila ng mga nais magpabakuna.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

ito ay ang RHU-1  sa Central Plaza Mall, RHU -2 sa Cobangbang Elementary School at RHU-3 na nakabase naman sa SM City Daet