DTI, walang nakikitang taas-presyo ng bilihin dahil sa oil price hikes

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Trade and Industry kung kailangan pa itaas ang presyo ng mga produktong hindi naman gumagamit ng mataas na porsiyento ng produktong petrolyo.

Pero sa ngayon umano, hindi pa nakikita ng DTI ang pangangailangan na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ngayong apektado ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang presyo ng langis.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Paliwanag pa ni DTI Assistant Secretary Ann Cabochan, kaka-increase lang din naman ng ilang produkto noong nakaraang buwan, kaya wala silang nakikitang dahilan para muli na namang magtaas ng presyo sa mga basic goods.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Una nito, nangangamba ang ilang negosyante sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis, maging sa presyo ng harina, sa harap ng tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia. //MPT