Katawan ng 22 pasahero ng eroplano na nag-crashed sa Himalayas, natagpuan na

Natagpuan na ng Nepali rescuers ang katawan ng 22 indibidwal mula sa eroplano na nag-crashed sa bahagi ng Himalayas.

Ayon sa mga otoridad sinisimulan na nila ngayon ang pagkilala sa mga bangkay ng mga biktima. Sinabi ni Civil Aviation Authority spokesman Deo Chandra Lal Karn na ‘all accounted for’ na ang lahat ng mga pasahero’ ng bumagsak na eroplano.

Nabatid na nawalan ng contact sa twin otter plane ang air traffic control ilang minuto lang matapos itong mag take off sa Pokhara sa Western Nepal.

Natagpuan ang wreckage ng eroplano pagkalipas ng isang araw sa bulubunduking bahagi sa taas na 14,500 feet (4,420 meters).