PBA: Career-high 44 points ni Bolick susi sa panalo ng Batang Pier vs Bolts

Nagtala si Robert Bolick career-high 44 points para pangunahan ang kanyang team laban sa Meralco Bolts.

Si Bolick ay umiskor ng 22 sa huling 29 points ng Batang Pier na sumelyo sa stunning comeback laban sa Bolts, sa 101-95 sa pamamagitan ng overtime sa  PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Ang dating San Beda Red Lions star ay nagdrop ng 17-6 run sa final five minutes para mapwersa ang extra five minutes.

nagtuloy-tuloy ang pag-iskor nito sa OT sa 5-0, kabilang na ang triple, para bigyan ang NorthPort ng 94-89 lead, sa 3:13 na natitira sa match.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Samantala, sinubukan ni Bong Quinto na manatili ang Meralco sa kanyang three-pointer, pero agad naman na rumesponde si Arwind Santos para mapanatili ang 99-93 gap, hanggang sa magtuloy-tuloy sa panalo ng Batang Pier.