15 katao – sugatan matapos bumangga ang sinakyang van sa prime mover sa Cebu

Sugatan ang 15 indibidwal matapos bumangga ang sinakyan nitong tourist van sa isang prime mover habang nasa national highway ng Barangay Langtad, City of Naga, Cebu.

Sabi ng traffic section ng City of Naga Police Station, papunta sana sa bayan ng Oslob ang van mula sa Cebu City.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Nang makarating sa lugar, bigla na lang umanong sumulpot ang naturang truck sa isang eskinita at papaliko ito papunta sa lungsod ng Cebu nang maganap ang aksidente.

Dahil sa lakas ng impact – wasak ang harapang bahagi ng van.

Kasama sa mga injured ang 13 mga turistang Japanese National, van driver at ang kanilang Filipina tour guide na kasalukuyang nagpapagaling sa Carcar City Hospital.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Nasa kustudiya ngayon ng City of Naga Police Station ang driver ng prime mover na si Randy Lato habang nagpapatuloy ang isinagawang karagdagang imbestigasyon ng otoridad ukol sa naturang insidente.