Nagdulot ng malawakang na pinsala at flash flood sa Floridad ang Hurricane Milton.
Sa tala ng National Weather Service 15 buhawi ang tumama sa Florida sa kasagsagan ng bagyo. Halos dalawang milyong bahay at gusali naman ang walang kuryente at halos dalawang milyong residente rin ang una ng inilikas.

Sa ngayon nakataas na lang sa category one ang bagyo mula sa mapaminsalang category five bago ito maglandfall. Pero babala pa rin ng mga otoridad mayroon pa ring banta ng halos 12 talampakan storm surge sa Floridad.