Hawak na ng mga otoridad ang lider ng sinalakay na POGO hub sa Porac Pampanga na Lucky South 99 kasama ang ilang foreign nationals.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission spokesperson Dr. Winston Casio, naaresto si Lyu Dong alas otso ng gabi nitong Huwebes sa isang private subdivision sa Laguna.
Sinabi pa ni Winston na matagal nang minamanman ng mga otoridad ang Lyu.

Wala pang kasong isasampa laban kay Lyu Dong ngunit sinabi ni Casio na magsasampa siya ng kaso laban sa lider ng Lucky South 99 dahil sa umano’y paglalagay ng presyo sa kanyang ulo at iba pang opisyal ng PAOCC.
Kasalukuyang nasa detention facility na si Lyu Dong para sa pag-inquest sa kaniya ngayong araw.
Tiniyak nnaman ni PAOCC executive dir. Usec. Gilbert Cruz na masusundan pa ang mga operasyon laban sa iligal na POGO.
Tuluy-tuloy naman ang paghahanap sa unang nabanggit na ‘boss of bosses’ ng POGO na si Huang Zhiyang.
Sa huli, sinabi ni Cruz na kumpiyansa siyang mapupuksa ang mga iligal na POGO sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno, alinsunod na rin ng POGO ban directive ni Pangulong Bongbong Marcos.
#