Pinapayagan na ang mga edad 15 hanggang 17-anyos at 65-anyos pataas na magpa-appointment sa Philsys Step 2 Registration.
Ito ay alinsunod na rin sa IATF Resolution No. 114 na inilabas nitong Mayo kung saan pinapayagan nang lumabas ang mga nasa nasabing age bracket.
Sa Step 2 ay kukumpirmahin ang demographic information ng registrant na inilagay sa step 1.
Kukunin na rin ang biometric information katulad ng finger prints, iris scans at front-facing photograph.
Samantala, paalala lang ng PSA sa publiko na mahigpit pa ring sundin ang health and safety protocols.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
