Inabisuhan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang publiko na huwag magpapaturok ng COVID-19 vaccine booster shots.
Inihayag ito ni Zamora matapos mabunyag na nakatanggap ng apat na dose ng COVID-19 vaccine ang ama niya na si San Juan Representative Ronaldo Zamora.
Ayon sa alkalde, kailangan muna aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infecitous Diseases ang polisiya para sa COVID-19 booster shots.

Matatandaan na inamin ng mas matandang Zamorana nakatanggap ito ng dalawang shots ng smuggled na Sinopharm COVID-19 vaccine noong December 2020, bago ito nagpaturok ng Pfizer-BioNTech booster shots.
Samantala, nagpaliwanag naman ang mas batang Zamora na kung alam niya lang ay posibleng kinonsulta niya ang IATF tungkol sa mga plano ng kaniyang ama bago sana ito nakakuha ng booster shots.