141 mga batang may problema sa paningin at pandinig, naserbisyuhan ng eye and ear screening ng USAID

SORSOGON CITY – Aabot sa 141 na mga bata sa bayan ng Irosin ang naserbisyuhan ng Mass Eye and Ear Screening na ikinundukta ng mga tauhan ng  U.S Agency for International Development (US-AID). 

Katuwang ang mga personahe ng Resources for Blind Inc., isinagawa ng grupo ang pag-eksamin sa mga bata na mayroong problema sa kanilang paningin at pandinig.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa nasabing bilang 85 dito ang mga batang may kapansanan sa mata habang 56 naman ang may problema sa pandinig.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang Municipal Health Office ng LGU at mga Barangay Health Workers ng 28 na barangay ng nasabing bayan gayundin ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).