Isolation facility para sa Haven for Girls itatayo ng DSWD Region 3

Magtatayo ng isolation facility para sa Haven for Girls Pampanga ang Department of Social Welfare and Development Region 3.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng kagawaran na magtayo ang mga Residential Care Centers and Facilities ng isolation facility para maserbisyuhan ang mga staff at residente na kinakailangan sumailalim sa quarantine.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Magkakaroon ang pasilidad ng apat na kwarto na mayroong kama, desk at upuan, sofa, water dispenser at iba pa.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso.

Nagsagawa na ng ground breaking sa Haven for Girls sa Magalang, Pampanga nakaraang Huwebes.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DSWD FO3

May be an image of 1 person and text that says 'FAST RELAX: STRONGER THAN YOUR PAIN! IBUPROFEN+ PARACETAMOL FAST RELAX IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULTYOUR DOCTOR.'