14 na tauhan ng PMRB sa Narra, sinuspende dahil sa isyu ng panghaharas at pangongotong

Pinatawan ng tatlumpong araw na preventive suspension ang labing-apat na tauhan ng Provincial Mining & Regulatory Board ( PMRB ) sa bayan ng Narra dahil sa isyu umano ng panghaharas at pangongotong.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, kabilang rito ang kanilang team leader at labintatlong team members na deputized para mag-check at manghuli ng illegal quarry activity.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Inireklamo ang mga ito ang tatlong lehitimong gravel ang sand hauler sa bayan ng Narra, Palawan na nangongotong sa bawat truck na may kargang buhangin na dumadaan sa PMRB checkpoint.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang usapin ay nakarating na sa Sangguniang Bayan ng Narra at nitong nakalipas na Linggo ay sinuspende ang mga kawani habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pamahalaang Panlalawigan sa kanila.

Kaugnay nito, inihayag din ni PIO Cojamco na may mga nais pa umanong maghain ng pormal na reklamo laban sa mga tauhan.