135k indibidwal sa Naga City fully vaccinated na VS COVID-19

NAGA CITY- 135, 672 na ang bakunado laban sa COVID-19 sa Naga City batay sa huling tala ng Department of Health (DOH) Bicol.

Hindi pa rito kasama ang bilang ng nabakunahan nitong Mayo 2 at 4. Mahigit 168,000 ang target sa 80% population base pa sa record ng DOH.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunpaman hindi nakakampante ang LGU , tuloy ang bakunahan tulad ngayong araw bukas parin ang mega vaccination facility na Jesse M. Robredo Coliseum para sa 2nd and Booster Dose sa senior Citizens, with comorbidities, sa 18-anyos pataas at 2nd dose sa 5-11 anyos.

Dagdag pa rito mataas man ang vaccination rate ng lungsod paulit-ulit pa rin ang paalala na mag-ingat dahil sa banta ng virus halimbawa nito ang apela ni Moises Cortez ng Public Safety Office sa mga dadalo sa mga pagtitipon tulad ng mangyayaring grand rally sa Naga, huwag aalisin ang facemask at huwag sasama kung may sintomas ng COVID-19.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors