13 staycation hotels sa Metro Manila, pinayagan nang mag-operate

Pinapayagan nang magbukas ang 13 accredited staycation hotels sa Metro Manila, para tumanggap ng mga bisita na may edad 18 hanggang 65 mula sa NCR Plus, na binubuo ng kabuoang room capacity na 5,986.

Kabilang sa mga pinapayagang mag-operate ay ang Grand Hyatt Hotel, Okada Manila Hotel, Shangri-la sa Fort, Nobu Hotel, Joy Nostalg Hotel & Suites Manila, EDSA Shangri-la Manila, Solaire Resort, Hyatt Regency at Nuwa Hotel ng City of Dreams, The Peninsula Manila, Aruga ng Rockwell, Sheraton Manila Hotel, at Hilton Manila.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ayon kay DOT spokesman Benito Bengzon, ang naturang mga establishemento ay kumuha ng “certificate of authority to operate for staycation” purposes, na magsisilbing patunay na ang kanilang pasilidad ay hindi gagamitin bilang quarantine sites.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag ni Bengzon, mayroon pa ring limitasyon sa dami ng guest na pwedeng magcheck in sa naturang mga hotel, gaya halimbawa na ang dalawang tao ay maaring manatili sa 20-square-meter room habang ang tatlong guests ay maaring magsama sa 30-square-meter room.

Maliban dito, ang staycation hotels ay require rin na magpakita ng COVID-19 test results.// MHEL PACIA