13 patay sa pagsabog ng petrol tanker sa Kenya

Labing-tatlong tao ang patay matapos sumabog ang petrol tanker sa western Kenya.

Ayon sa report, nakabanggaan ng tanker truck ang isa pang sasakyan sa highway sa pagitan ng Kisumu at Busia.

Nasubukan pang sipsipin ng equipment ng mga rumesponde ang natapon na fuel pero sumabog pa rin ito na dahilan para magkaroon ng explosion na lumikha ng gahiganteng apoy.

Sa report ng local police, mayroon pang 24 na tao ang nasa ospital dahil sa mga tinamong matinding paso kung saan kabilang ang ilang bata.

Dahil dito, nangangamba ang mga otoridad na posibleng madagdagan pa ang bilang ng fatalities.

Patuloy ding sinisiyasat ng mga pulis kung mayroon pang mga sunog na bangkay sa lugar ng insidente.

Isa sa mga pinalad na survivor ang nagsabing nagawa niyang makatakbo bago ang pagsabog.