Cusi, nanatiling expelled mula sa PDP-Laban ayon kay Pimentel

Nanindigan si Senator Aquilino Koko Pimentel III na nanatiling expelled si Energy Secretary Alfonso Cusi sa PDP-Laban matapos itong ma-halal bilang presidente ng partido.

Ito ay matapos sipain ng paksyon ni Senador Manny Pacquiao si Energy Secretary Alfonso Cusi palabas bilang vice chairman ng partido at Melvin Matibag bilang deputy secretary-general para sa paglabag umano sa party constitution.

Gayunman, binaligtad ng mga kakampi ni Cusi sa kanilang paksyon ang sitwasyon sa isinagawang assembly noong Sabado sa Clark, Pampanga kung saan ay inalis nila si Pacquiao mula sa pwest, at ginawa si Cusi bilang bagong party presidente.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Binigyang diin ni Pimentel na sa mata ng PDP-Laban headquarters ay expelled na ang kalihim dahil sa mga aksyon nito na hindi sumasangayon sa best interest ng PDP-Laban at disloyallty sa partido.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Una nang sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado, na nagsisilbi ngayon bilang miyembro ng PDP-Laban Council of Elderlers, na compliant  sa Konstitusyon ng partido ang isinagawang PDP-Laban national assembly na pinangunahan ni Cusi noong Sabado sa Clark.

Samantala, inanunsyo naman ni Pimentel, na maging sila ay magdadaos ng sarili nilang assembly sa susunod na buwan at kung kinakailangan ay ire-reorganize nila ang mga party members.