13- anyos na estudyante, patay sa aksidente sa Bacungan- PNP

Patay ang 13- anyos na estudyante sa naaksidenteng ford ranger sa kilometer 20, North National Highway, Sitio San Carlos, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City 2:20 ng umaga ngayong Sabado, ika- 19 ng Oktubre.

Napag-alaman na isang 19- anyos na estudyante rin/ carwash boy ang nagmaneho ng pick-up na nahulog sa bangin, si John Rey Villanueva.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa imbestigasyon ng PNP, bago ang aksidente, papunta sa Sitio Nagtabon ng Bacungan ang sasakyan at pagdating sa lugar ay nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang nag overshoot bago bumangga sa concrete barrier sa gilid ng highway.

Dahil dito, dumiretso sa bangin ang sasakyan dahilan para magtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay na tinukoy na 13, 17, 18 at 19 anyos ang mga nakasakay.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang 13-anyos na taga- Barangay Sicsican ay nasawi bago pa man makarating sa ospital.

Samantala, sa pinangyarihan ay walang skid mark na nakita ang pulisya, base pa sa report ng Police Station 2.