Tulong sa produksyon ng livestock at poultry products sa SOX, ipinapaibayo

KORONADAL CITY – IPINAPAIBAYO ngayon ng Department of Agriculture o DA-12 ang ginagawang hakbang upang mapataasan pa ang produksyon ng mga livestock at poultry products sa Rehiyon-12.

Ayon kay Dr. John Pascual, officer-in-charge regional technical director for operations ng Department of Agriculture o DA-12, na sa ilalim ng Livestock Program ng opisina, nabuo ang Multiplier Farm Project na may layuning mabigyan ng isang Multiplier Farm Package ang bawat benepisyaryo na mga magsasaka.

Ang Multiplier Farm Package, binubuo ng housing facility na may alagang hayop gaya ng rabbit, manok, kalabaw, baka at pato.

Mayroon din umano itong kalakip na feeds at biologics.

Layunin ng hakbang na ito na makatututlong sa pagpapa-unlad ng produksyon ng livestock at poultry sa rehiyon at matulungan ang mga nag-aalaga ng hayop na magkaroon ng dagdag na income.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *