Labing dalawang pang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association ang naidagdag sa Gilas Pilipinas pool para sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na itinakda sa huling bahagi ng Agusto.
Ang mga ito ay kinabibilangan nina Ginebra’s Scottie Thompson, Arvin Tolentino, at Japeth Aguilar; San Miguel’s June Mar Fajardo at CJ Perez; Meralco’s Chris Newsome, Allein Maliksi, at Raymond Almazan; Magnolia’s Jio Jalalon ar Ian Sangalang; NorthPort’s Robert Bolick; at Terrafirma’s Roosevelt Adams.
Sasamahan ang mga ito ng nauna nang eight-man pool na kinabibilangan nina Utah Jazz star Jordan Clarkson, Kiefer at Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Bobby Ray Parks Jr., Carl Tamayo, Francis Lopez, at Kevin Quiambao.
Ang Filipino wunderkind na si Kai Sotto ay makikiisa rin sa team, habang ang tatlo pang ibang PBA cagers na sina Jaime Malonzo, Kevin Alas, at Calvin Oftana ay una na ring naidagdag sa pool.
Sa ngayon, ang Gilas ang nasa fourth standing sa Group E na may 2-2 card.
