Go, naghain ng reso ng pakikisimpatiya, pakikiramay kay Lydia de Vega

Naghain si Senator Christopher “Bong” Go, ng Senate Resolution No. 135 na nagpapahayag ng pakikisimpatiya at pakikiramay ng Senado sa namayapang Filipina sports legend, na si Lydia de Vega.

Si De Vega, na ikinokonsiderang isa sa most decorated Filipino athletes sa kasaysayan, ay pumanaw dahil sa sakit na cancer noong August 10 sa edad na 57.

Matatandaan na noong 1980s nang namayagpag ang Filipina athlete nang kilalanin bilang Asia’s fastest woman nang magcompete at matagumpay na nanalo sa multiple international competitions na kinabibilangan ng dalawang gintong medalya sa 1981 Southeast Asian Games sa Pilipinas, isa sa 1983 edition sa Singapore; tatlong gold medals sa 1987 edition sa Indonesia; isa sa 1991 SEA Games sa Pilipinas, at dalawang golds sa 1993 edition sa Singapore.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Maliban dito, nanalo rin siya ng dalawang gold medals sa 1983 Asian Athletics Championships sa Kuwait; at two golds sa 1987 edition sa Singapore, dalawang gold medals sa Asian Games, isa sa 1982 edition sa New Delhi, India; at isa sa 1986 edition sa Seoul.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Sa kanyang buong karara, hawak nito ang national record sa 100-meter at 200-meter dash sa 11.28 seconds at 23.35 seconds sa loob ng 33 taon.

Gaya umano ni De Vega na tumulong at naging inspirasyon sa mga kabataang atleta ngayon, sinabi ni Go na bilang chair ng parehong Senate Committees on Health at ng Sports, ipagpapatuloy na ang pagtulong na sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa kapakanan, kaligtasan at kalusugan ng mga Filipino athletes sa target ng bansa na muling maging Asia’s sports powerhouses.