SORSOGON CITY- Nagbalik-loob na sa pamahalaan ang aabot sa 113 na miyembro at kapanalig ng grupo ng mga teroristang saklaw ng CPP-NPA-NDF sa islang probinsiya ng Masbate.
Sa nakalap na report, sa 21 na mga nagsurender noong Setyembre 14, 9 dito ay miyembro ng Militia ng Bayan (MB), tatlo ang miyembro ng Sangay sa Partido sa Lokalidad (SPL) at 9 na miyembro ang nagsisuko ng kanilang mga armas ; 20 ang sumuko noong September 15, kung saan 6 ang MB, 7 SP at 7 ang supporters.
Apat napung-walo (48) naman ang nagbalik loob noong Setyembre 16 na kinabibilangan ng 10 MB, 32 SPL, at 6 na supporters habang 24 naman ang sumurender noong September 17, kung saan isa dito ang regular na miyembro ng NPA, 12 SPL at 11 na supporters.
Matapos ang debriefing, ang kwalipekadong surrenderees ay nakatakdang ipasok sa programa ng gobyerno na E-Clip na magkakaloob sa kanila ng tulong pinansiyal, livelihood, medical, housing at educational assistance.
Ang pinagsanib na pagtutulungan ng Army , Pulisya at malakas na panawagan ng Masbateños na matuldukan na ang armadong-pakikibaka sa islang probinsiya ang binabanggit ng mga awtoridad na nagbigay daan upang sila ay magbalik loob sa pamahalaan.


