Nakiisa ang Police Regional Office No. 2 sa sabay-sabay na deployment ng Narcotics Detection Dog sa buong bansa.
Isinagawa ang launching ng Simultaneous Exercises ng sniffing dogs mula sa Special Operations Unit 2- Regional Drug Enforcement Unit (SOG-RDEU2) kasama ang Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 2 (RECU2)sa isang bus terminal sa lunsod ng Tuguegarao kahapon, October 22, 2021.
Ayon kay Police Colonel Pedro Martirez, hepe ng RDEU2, nasa 11 na K9 dogs ang ginagamit sa mga anti-illegal operations sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon.
Aniya, layunin ng naturang hakbang na masawata ang transportasyon o pagpupuslit ng mga iligal na droga papasok sa rehiyon.
Pangunahing itatalaga ang mga sniffing dog sa mga malalaking terminal at sea ports sa lambak ng Cagayan para ma-detect kung may iligal na droga ang mga kargamento na ibinibyahe.
Photo/PRO2