KORONADAL CITY — ARESTADO sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad ang dalawang empleyado ng provincial government ng South Cotabato, Disyembre 4 ng hapon sa Purok Kalikasan, Barangay Paraiso, Koronadal City.
Kinilala ng PDEA – South Cotabato ang mga suspek na sina Abner Dela Torre, 56 anyos, may asawa, regular employee ng Provincial Engineer’s Office, residente ng Barangay Morales, Koronadal at Cyril Eldialde, 48, anyos, isang job order employee na nakatalaga sa Sangguniang Panlalawigan Office at residente ng Barangay San Vicente, Banga, South Cotabato.
Narekober sa pag-iingat ng mga ito ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu, aluminum foil, cellphone, P1,000 na buy-bust money at motorsiklong ginagamit umano sa kanilang illegal transaction.
Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng PDEA 12 South Cotabato Provincial Office ang mag nahuling suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
