NAGA CITY – Isang inspirasyon kung maituturing ang pagpapabakuna ng isang Lola sa Libmanan, Camarines Sur.
Sa panagtlong araw ng National Vaccination days nagdesisyong magpabakuna kontra COVID-19 si Lola Josefina Perpetual Miraflores o mas kilala sa pangalang Lola Pining, 100 taong gulang na nakatanggap na ng Php 200, 000.00 na bigay ng Gobyerno at ng naturang LGU, walang naging asawa, nakatira sa Libod 2, Libmanan at dating Guro sa Libmanan North Central School.
Tumanggap ng First Dose Pfizer Vaccine si Lola at nakatakdang maturukan para sa Second Dose sa darating na Disyembre 21, 2021.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joan Mancilla, apo sa kapatid ni Lola Pining, sinabi nitong si Lola mismo ang may nais magpabakuna para na rin sa proteksyon bagamat nagdadalawang isip dahil baka hindi kayanin ng katawan nito, kaya naman agad silang nagpakonsulta sa personal na doktor ni Lola. Wala namang naging problema sa bakuna tanging pangangalay lamang ang naramdaman nito.
Sekreto ni Lola ay ang iniiwasan nito at ng pamilya na ma- stress, disiplina sa pagkain at pagtulog, panalangin at ang suporta ng pamilya.