100 bata benipisyaryo ng Libreng Gupit at School Supplies

Madilim pa lamang ay pumila na ang ilang mga bata kasama ang kanilang magulang sa labas ng himpilan ng BNFM Olongapo nakalipas na Sabado.

Ito ay para masigurong mapapabilang sa mga benipisyaryo ng libreng gupit at school supplies habang ang unang limampu ay nakatanggap rin ng Yummyvit Syrup.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Katuwang ang 25th SAC, 2SAB, PNP-Maritime Group at Briganatics ay umabot sa isandaan ang bilang ng mga naging benipisyaryo.

Maging ang ilang empleyado ng BNFM ay tumulong rin sa paggupit bilang bahagi ng programa.

Ito ay inilunsad ng BGC at Kabrigada Foundation sa iba’t ibang Brigada Stations nationwide para makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga nangangailangan lalo na ngayong may kataasan ang presyo ng school supplies.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Habang naghihintay, nagkaroon rin ng parlor games at nag-uwi ng cash prizes ang mga sumali.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO