LEGAZPI CITY – Hindi pa sa ngayon masasabi ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na magiging epektibo agad ang kampanya sa road crash at mga violators na mababawasan dahil sa nagsisimula pa lamang umano ito.
Ito ang inihayag ni Regional Director Francisco Franches Jr, ng nasabing tanggapan sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Franches, malaking tulong sa ahensya ang mga nabigyan ng 10 years validity card dahil sa mababawasan unti unti ang road crash at violators sa susunod na taon.
Dahil dito, marami umano ang magiging maingat sa pagmamaneho ng mga driver sa kanilang mga sasakyan sa kadahilanan na rin na nanaisin ng mga ito na mabigyan o makakuha ng mahabang validity sa drivers licensed.
Babasehan ng LTO ang merits at demirits na kukuha ng 10 years validity kung saan kapag mayroong demirits ay maaaring mabigyan ng 5 yrs validity at kung walang paglabag ay mabibigyan ito ng 10 years validity ngunit dadaan pa rin ito sa comprehensive drivers education.
Sinabi ng opisyal patuloy din naman ang kanilang pagbibigay ng nasabing validity sa mga drivers na walang violators.