LEGAZPI CITY – Nagsimula na kaninang eksaktong alas 7 ng umaga nang papasukin sa voting center ng Albay Central School sa Legazpi City ang mga rehistradong botante para sa mock election.
Ipinaliwanag ni Joel Saguiguit, ang Command Center ng Comelec National Office, ang pagpili sa mga lugar or probinsya na pagsasagawaan ng simultaneous mock election sa bansa ay isa lamang ito ramdomly.
Aniya, sa bawat election na nakatalaan kanilang implementa ang nasabing sistema.
Dagdag pa nito, kaya ginagawa ang nasabing aktibidad ay para makita ng mga ito ang scenario para sa evaluation at ang top management naman ang magdedesisyon sa guidelines.
Nilinaw din ng tanggapan, na ang nasa official ballot ng mock election ay isa lamang na foreign names o dummy candidates.
Mahalaga ang mock election ay para masertipikahan ng international body na ok ang automated election system sa bansa.
Makita ng mga botante ang lalabas sa resibo ng kanilang binoboto, magkaroon ng tiwala sa vote counting machine (VCM) at masunod ang minimum health standard protocols ngayon panahon ng pandemic.
Samantala, bago makapasok, isa-isa munang dumaan ang mga botante sa temperature check, maglagay ng alcohol at kailangang nakasuot ng face mask.
Maliban pa rito, mayroon din na inilagay na isolation polling precinct vote ang mga botanteng sakaling lumampas sa 37.5 na temperatura at kung nakitaan ng sintomas ng covid-19 gaya ng ubo at sipon ay maaari pa naman itong bumuto.
Mula sa entrance ng voting center, dederetso ang mga boboto sa inilagay na voters assistance desk para tingnan ang kanilang mga presinto.
Sampung botante lang ang papayagang makaboto sa polling precinct. May inilagay na holding area para sa mga naghihintay na makaboto.
Kung matatandaan, kabilang sa mga napili ay ang Isabela sa bayan ng Candon, Albay Legazpi, Pioduran, Visayas ang Negros Oriental Dumaguete, Leyte, Tacloban Baybay at Palompon.
Sa Mindanao kabilang ang Davao Region BARRM, Maguindanao, Cotabato, Shariif Aguak, Boluan. NCR ang Pateros, Taguig at Pasay City.