BFP at PNP ininspeksyon ang mga tindahan ng paputok sa bayan ng Daet kaninang umaga

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng joint inspection ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga tindahan ng paputok dito sa bayan ng Daet kaninang umaga dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa BFP pangunahing concern umano nila ay ang mga safety measures sa tindahan.

Kabilang sa mga tiningnan ng mga awtoridad ay kung sumusunod  sa safety measures ang mga tindahan tulad ng kung mayroon bang naka stand by na tubig at fire extinguisher na maaaring magamit sa pag-apula sa sunog.

Read More:  Lineman dies after electrocution while installing internet line in Cebu

Wala namang naisyuhan ng notice of violation pero siniguro ng BFP na babalik sila muli upang tingnan ang compliance ng mga tindahan.

Ilang tindahan naman ang nasita dahil sa kawalan ng tubig at hindi tamang pagkakalagay ng mga paalala.

Read More:  Father dead, teen daughter hurt in Talisay computer shop shooting

Patuloy rin ang kampanya ng BFP  sa Oplan Paalala Iwas Paputok na nagsimula pa noong unang linggo ng Disyembre.

Ang Department of Health at Provincial Health Office naman ay kapwa patuloy ang paalala sa lahat na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa halip na paputok ay mas mainam umano na gumamit na lang ng alternatibong pampaingay.