Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang awarding ceremony ng Walang Gutom Award na ginanap sa Palasyo ng Malacañang, para sa sampung mga local government unit sa bansa na may pinakamagandang anti-hunger initiatives and practices patungkol sa food security.
Kabilang sa nanalong LGU ay ang Barangay Commonwealth, Quezon City; at Barangay Naggasican, Santiago City para sa Barangay Level.
Asuncion, Davao Del Norte; Palompon, Leyte; Bacnotan, La Union; ang nanalo sa Municipal level; habang ang Kidapawan City sa Cotabato; Bago City sa Negros; Cadiz City, sa Negros Occidental at ang Mati City, Davao Oriental ang tinanghal na winner sa City level.
Ang probinsya naman ng Biliran ang napiling nanalo sa Provincial level.
Tumanggap ang bawat winner ng tig-dalawang milyong piso funding allocation mula sa Sustainable Livelihood Program o SLP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Habang ang mga finalist na hindi nanalo ay may iuuwi ring isang milyong pisong pondo mula sa SLP.
Samantala ang Walang Gutom Awards ay kolaborasyon ng DSWD at Galing Pook Foundation o GPF, na layong kilalanin at i-replicate ang mga best practices ng LGU’s patungkol sa pagtugon sa food security at nutrition bilang bahagi ng layunin ng Marcos administration na matu