Ilang bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila inilaan sa DHSUD

Naglabas ng proklamasyon ang Palasyo ng Malacañang na nagtatakda sa ilang bahagi ng lupa sa Tondo para sa ownership at development ng Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD.

Ang Proclamation number 610 na inisyu ng Presidente nitong June 21 ay batay sa naging rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Inaamyendahan nito ang proclamation no.96 series of 2001 sa pamamagitan ng pagbubukod sa isang bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Ang hakbang na ito ay nagbibigay-daan sa DHSUD na ariin ang lupang ito at magsagawa ng urban development na naaayon sa final ground survey.

Ang proklamasyon ng Pangulo, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nag-aautorisa sa Environment Secretary na maglabas ng kaukulang Special Patent na sumasaklaw sa lugar na inilaan para sa mga proyekto ng township development ng DHSUD.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa ilalim ng proklamasyon, bubuo ng Project Inter-Agency Committee o PIAC, kung saan chairman ang DHSUD, habang members naman ang DENR at ang City Government ng Manila.

Ang PIAC ang naatasang bumalangkas at maglabas ng Implementing Rules and Regulations ng proclamation, at tukuyin ang mga benepisyaryo ng housing component ng township development.