10 katao nasawi sa pamamaril sa isang bar sa Mexico

Sampung katao ang nasawihabang lima ang nasugatan sa pamamaril sa isang bar sa central Mexico.

Naganap ang pag-atake sa El Estadio bar nang biglang pumasok ang grupo ng mga armadong lalaki at pinagbabaril ang mga customer at empleyado ng painuman.

Read More:  Six dead, thousands without power after hurricane Isaias hits Florida

Ayon sa pulisya ang mga namatay ay kinabibilangan ng pitong lalaki at tatlong babae.

Read More:  At least 5 missing as flash floods strike northern Nepal anew

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at nagsasagawa na ng manhunt operation para agad na mahuli ang mga suspek.//CA