10-anyos na babae patay, 14 sugatan sa salpukan ng motor at topdown sa Mulanay, Quezon

Patay ang isang 10-anyos na babae habang 14 na katao naman ang sugatan sa salpukan ng topdown tricycle at motorsiklo sa Barangay Pakiing, Mulanay, Quezon nitong Sabado, Marso 23.

Ayon sa report,  paahon umano noon sa nasabing barangay ang topdown nang mabundol ito ng kasalubong na motorsiklo.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Dahil dito nagtamo ng mga injury sa katawan ang mga driver na napag-alamang parehong menor de edad at ang mga pasahero ng mga sasakyan kung saan binawian pa ng buhay ang isang batang babae.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, kasalukuyang nagpapagaling ang mga suspek at ang mga biktima.