LEGAZPI-Masayang ibinalita ng Provincial Government of Albay (PGA) ang tuluyang pagbaba na ng kaso ng tinatamaan ng Covid-19 sa Albay ayon sa daily monitoring ng Department of Health Bicol.
Ayon sa pagtala ng Albay PHO, ikawalong araw nang napanatili ng lalawigan ang zero covid-19 cases.
Mataas rin ang bilang ng mga nagrerekober na kung saan 67 new recoveries ang naitala noong isang araw.
Kasalukuyang aabutin na rin ng lalawigan ang 10 libong nagrekober kontra sa nakakahawang sakit.
Samantalang, tuloy tuloy pa rin na sinasaga ng PGA ang bakunahan kasabay rin ang ibang mga serbisyong medical tulad ng dental, medical at optical.
Derekta na rin itong sinasagawa sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.