1-Rider party-list: solusyon ang ibigay ng MMDA at hindi multa sa mga riders

Aminado ang 1 Rider Party-list na tama ang ipinatutupad na batas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nakarahang na motorista sa daan sa tuwing malakas ang buhos ng ulan dahil nasa batas talaga ito.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay 1 Rider party-list Rep. Ramon “Rodge” Gutierrez, sinabi niyang hindi naman aniya sila sumasalungat sa batas ngunit iginiit nila na sana’y sundin ng MMDA ang mga nauna nitong suhesyon at hindi mag-focus sa pagbibigay ng multa sa mga motorista.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August
Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Dagdag pa ni Gutierez, na nauunawaan niyang hindi ganoon kadali ang konstruksyon ng mga silungan pero obligsayon ng pamahalaan na gawan ito ng paraan lalo na ang pakikipag usap sa mga pribadoang gasoline station na ipinapayo na lagyan ng mga pansamantalang matitigilan ng mga riders.
#